Monday, January 07, 2013

Ang kabuuan ng footnote ni Padre Juan Trinidad sa 1 Pedro 1:20 sa kanyang Bibliyang salin

From Bro. Mars Llasos, O.P.

http://thesplendorofthechurch.blogspot.com/2012/02/tugon-ni-bro-marwil-llasos-sa-manolista.html

Ang “Ang Bagong Tipan ng Ating Mananakop at Panginoong Jesucristo” (Manila: Catholic Trade School, 1964) ay isinalin ni P. Juan T. Trinidad, S.J. mula sa Vulgata Latina.

Sa 1 Pedro 1:20 ay nasasaad:

“Nasa isip na Siya ng Dios bago pa lalangin ang daigdig, ngunit ipinakilala Siya ngayong huling panahon dahil sa inyo.”

Ayon sa footnote sa pahina 705, ipinaliwanag ni P. Trinidad ang ibig sabihin ng “nasa isip na Siya ng Dios.” Ayon sa Doctor sa Banal na Kasulatan, “ito’y tumutukoy sa hula tungkol sa Mesias na nasa Isaias 53, (ihambing sa Mga Gawa 8, 32), at sa pangangaral ni Juan Bautista (Juan 1, 29-34).

Ang salin ni P. Trinidad ay halos literal na pagliliwat mula sa “The New Testament of Our Lord and Savior Jesus Christ” na isang rebisyon ng Challoner-Rheims Version (Paterson, New Jersey: St. Anthony Guild Press, 1941). Sa 1 Pedro 1:20 ng Challoner-Rheims Version, ito ang ating mababasa:

“Foreknown, indeed, before the foundation of the world, he has been manifested in the last times for your sakes.”

Sa footnote ng pahina 656, ganito ang binabanggit tungkol sa “foreknown”: “a reference to the messianic prophecy of Isa. 53, 7 (cf. Acts 8:32), and to the preaching of John the Baptist (John 1,29-34).

Ang inyong lingkod ay may sipi ng mga salin na ito.

No comments:

Post a Comment