Saturday, July 27, 2013

BIBLE BELIEVING AMERICAN PRESIDENTS



"Hold fast to the Bible as the sheet anchor of your liberties. Write its precepts in your hearts, and practice them in your lives. To the influence of this book are we indebted for all the progress made in true civilization, and to this we must look as our guide in the future. Righteousness exalteth a nation, but sin is a 2 reproach to any people" -- Ulysses S. Grant

"It is impossible to rightly govern the world without God and the Bible" -- George Washington

"The strength of our country is the strength of its religious convictions. The foundations of our society and our government rest so much on the teachings of the Bible that it would be difficult to support them if faith in these teachings would cease to be practically universal in our country."--Calvin Coolidge

"Menaced by collectivist trends, we must seek revival of our strength in the spiritual foundations which are the bedrock of our republic. Democracy is the outgrowth of the religious conviction of the sacredness of every human life. On the religious side, its highest embodiment is the Bible; on the political side, the Constitution."

--Herbert Hoover

"We cannot read the history of our rise and development as a nation, without reckoning with the place the Bible has occupied in shaping the advances of the Republic. Where we have been the truest and most consistent in obeying its precepts, we have attained the greatest measure of contentment and prosperity."

--Franklin Roosevelt

"I am profitably engaged in reading the Bible. Take all of this book upon reason that you can and the balance by faith, and you will live and die a better man."

            --Abraham Lincoln

FROM: http://www.bebaptized.org/u.htm






 

Monday, January 14, 2013

Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog by Andres Bonifacio



 Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang mga taga-Japon, sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat, bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao’y inihalo’t ininom nila kapwa tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di magtataksil sa pinagkayarian. Ito’y siyang tinatawag na “Pacto de Sangre” ng haring Sikatuna at ni Legaspi na pinakakatawanan ng hari sa Espana.

        Buhat nang ito’y mangyari ay bumubilang na ngayon sa tatlong daang taon mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng tunay na mga kababayan na aayaw pumayag na sa kanila’y pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Insik at taga-Holandang nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan. 


       Ngayon sa lahat ng ito’y ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahil ng ating paggugugol! Wala kudi pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo’y lalong gigisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilt na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan; iminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang tayo’y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal ng anak, aswa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng sa hayop na kabangisan. 


        Ngayon wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan; ngayon lagi nang gingambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan, buntong-hininga at hinagpis ng makapal na ulila, bao’t mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na Kastila; ngayon tayo’y nalulunod na sa nagbabahang luha ng Ina sa nakitil na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tinga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalo’t lalo tayong nabibiliran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katuwiran na sumisikat sa Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan, ang landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niya’y tanaw sa ting mga mata, ang kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal. Itinuturo ng katuwiran, na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran, lalo’t lalong kaalipustaan at lalo’t lalong kaalipinan. Itinuturo ng katuwiran, na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katuwiran ang tayo’y umasa sa ating at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo na katuwiran ang tayo’y magkaisang-loob, magkaisang isip at akala at nang tayo’y magkaisa na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.


        Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon nang dapat nating ipakilala n tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahon nang dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang ani na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga Tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat isang hakbang natin y tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa ati’y inuumang ng mga kaaway. 


        Kaya, O mga kababayan, ating idila ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang atin glakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayan tinubuan.

Monday, January 07, 2013

Ang kabuuan ng footnote ni Padre Juan Trinidad sa 1 Pedro 1:20 sa kanyang Bibliyang salin

From Bro. Mars Llasos, O.P.

http://thesplendorofthechurch.blogspot.com/2012/02/tugon-ni-bro-marwil-llasos-sa-manolista.html

Ang “Ang Bagong Tipan ng Ating Mananakop at Panginoong Jesucristo” (Manila: Catholic Trade School, 1964) ay isinalin ni P. Juan T. Trinidad, S.J. mula sa Vulgata Latina.

Sa 1 Pedro 1:20 ay nasasaad:

“Nasa isip na Siya ng Dios bago pa lalangin ang daigdig, ngunit ipinakilala Siya ngayong huling panahon dahil sa inyo.”

Ayon sa footnote sa pahina 705, ipinaliwanag ni P. Trinidad ang ibig sabihin ng “nasa isip na Siya ng Dios.” Ayon sa Doctor sa Banal na Kasulatan, “ito’y tumutukoy sa hula tungkol sa Mesias na nasa Isaias 53, (ihambing sa Mga Gawa 8, 32), at sa pangangaral ni Juan Bautista (Juan 1, 29-34).

Ang salin ni P. Trinidad ay halos literal na pagliliwat mula sa “The New Testament of Our Lord and Savior Jesus Christ” na isang rebisyon ng Challoner-Rheims Version (Paterson, New Jersey: St. Anthony Guild Press, 1941). Sa 1 Pedro 1:20 ng Challoner-Rheims Version, ito ang ating mababasa:

“Foreknown, indeed, before the foundation of the world, he has been manifested in the last times for your sakes.”

Sa footnote ng pahina 656, ganito ang binabanggit tungkol sa “foreknown”: “a reference to the messianic prophecy of Isa. 53, 7 (cf. Acts 8:32), and to the preaching of John the Baptist (John 1,29-34).

Ang inyong lingkod ay may sipi ng mga salin na ito.